Ang musika ay isang uri ng sining na mas kilala bilang tugtugin o tunog. Sa pagbuo nito ng tunog na nanggagaling sa iba’t-ibang uri ng instrumento, simpleg pag-nginig ng boses, paglikha ng himig, boses o di kaya'y pangkaraniwang kanta na siyang maituturing na pinakasimple na likhang musika ay mabibilang na himig. Ang pagtunog ng kampana o alarm clock, pagbusina ng mga sasakyan at iba na mapapasok sa ating tenga sa pamamagitan ng pakikinig nito ay nagpapahiwatig ng pagtanggap ng mga ingay o tunog na magsesenyas sa ating utak na mag-iinterpret kung anung klasi ng tunog ang ating narinig.
Ang musika ay naghahango sa salitang Griyego μουσική (mousike; "sining ng mga Musa") Ito ay kalimitang pagbubuo ng mga piyesa ng musika na nagbibigay daan sa pagtanggap ng iba’t-ibang ritmo ng ideya at ang kritisisimo nito.
Bahagi ng sining ang musika at sa pagiging bahagi nito sa sining ay karaniwang naglalarawan ito sa pag-aaral ng mga saklaw ng diseminasyong estitika ng musika. Mas kumplikado at mas naiiba ito sa ibang sining sapagkat meron itong katangian na makakapag-indayog ng mga tagapakinig, nakapagbibigay ng kakaibang sensasyon sa pakiramdam ng tagapakinig, nakakapagaan ng loob ng isang tao at may magandang epekto sa isipan. Sa sining, ang musika ay maaring mauri sa iba’t-ibang genre na maaaring maitanghal, awditoryo at fine arts. Maaari rin itong kasalukuyan itong tugtugin sa tanghalan gulag ng pelikula at mga pagsasadula.
Ang Elemento ng musika.
Ang pitch o tinis, ito ay ang mababa at mataas na tono na sumasabay sa harmoniya at melodiya. Ang pagkabuo ng pitch ay naglilikha ng mga scales na may ayos: major o minor, chromatic, pentatonic at gapped.
Ang Daynamiks ay ang paglakas at paghina o pagbaba ng himig, ito ay ang komposisyom na malakas at mahina ay may malawakang daynamiks a t ang pagbabago ng paunti- unti at pabigla-bigla; crescendo, decrescendo.
Timbre o uri ng tono ay ang kalidad ng tunog.
Melodiya o himig ang tema ng isang komposisyon, ito ang kombinasyong ng mga ritmo at tono. Ang ritmo na may kaugnayan sa metro, tempo at artilulasyon.
Ang mga salik sa pagbuo ng musika o himig ay isang saklaw upang may makabuluhang maidudulot sa pisikal at intelektwal ng tao. Ito ya may mahalagang bahagi sa buhay ng isang tao katulad ng mga Sinanunang Griyego at Indiyanong mga Pilosopo ay mas nakatuon sa musika na pahalang ang melodiya at harmonica ay patayo.
Mga Instrumentong Pangmusika |
Ang musika ay maaaring nabuo sa pamamagitan ng paghalo ng iba’t-isang istilo o paraan. Ito ay kumplikado at hindi maipakahulugan ng malinaw ng lubusan sa iba’t-ibang pananaw ng tao. Pwedeng ang musika sa isang tao ay walang katuturan sa isang tao. Bagama’t ang musika ay may malaking naiambag sa mga puso at isipan ng isang tao. Ayon nga sa kasabihan, “Ang musika ay pag-aari ng lahat”. Ito ay ang himig ng bawat puso.
Musika
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento